Yague

Uncategorized

C95A0327
Dumidiin ang pag-sara ng aking bibig.
Unti-unting lumiliit ang agwat sa pagitan ng mga labi.
Pinipigilan ang ngiting kumawala sa kanilang lugar.
Pigilan mo ang gilid ng aking mga labi, itali ang dulo sa puno ng Yague.
Ikandado mo ang pintuan nang hindi kumaripas ng takbo ang aking kamalayan.

Pigilan mo ang pag-alpas ng ngiti sa iyong mga labi.
Huwag.
Bawal.
May tikbalang na lalabas, kakainin ka ng buhay.
Ito ay totoo at hindi lamang sa gabi lumalabas.

Paano?
Parang sinabihan mo ang bulaklak na pigilan ang sariling mamukadkad sa ilalim ng init ng araw.
Sumisikip ulit ang aking panga.
Yague!
Anong klaseng puno ka?
Kumapit ka sa lupa’t huwag indahin ang hangin.
Itago ang sikretong hindi dapat sabihin.
C95A0328

C95A0329

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s